Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Labi ng Pinoy na pinatay ng Slovakian nasa PH na

NAGING madamdamin ang pagdating ng labi ng isang overseas Filipino worker (OFW) na walang awang pinatay ng isang Slovakian national nang ipagtanggol ang dala­wang Filipina na binastos habang namamasyal sa naturang bansa.

Lumapag sa Aegis hangar NAIA Complex ang chartered flight pasado 10:00 am lulan ang labi ni Henry John Acorda, 36, residente sa Central Signal Village, Taguig City, na nagtra­trabaho bilang financial analyst sa Slovakia.

Sinalubong si Acorda ng kanyang pamilya, ka­mag-anak at mga kai­bigan, gayondin ni DFA Secretary Allan Peter Ca­yetano at ang misis ni­yang si Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Ilang MIAA officials sa pamumuno ni General Manager Ed Monreal, ang sumalubong din at naki­ramay sa pamilya habang hinihintay ang pagdating ng labi ni Acorda.

Noong 26 Mayo, wa­lang awang ginulpi ng 28-anyos Slovakian national ang Filipino worker nang ipagtanggol ang dala­wang Filipina na binastos ng Slovakian habang namamasyal sa kalsada.

Tinuligsa ni Slovakia Prime Minister Peter Pellegrini ang insidente at nangakong makakamtan ni Acorda ang hustisya kaugnay sa naging kamatayan niya.

Dinala sa Arlington Memorial Chapel sa Que­zon City ang labi ni Acor­da at dadalhin sa kanyang huling hantu­ngan sa Heritage Park, Taguig City. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …