Thursday , May 8 2025

Media Safety chief isusunod ng Palasyo — Harry Roque

NAKAHANDA ang Palasyo na paimbestigahan ang isyu nang pagkakasangkot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief Joel Egco sa iringan ng dala­wang media organizations na nag-ugat sa P100 milyong federalism campaign fund.

Sa press briefing sa Cotabato kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque na makatutulong sa pagsi­sisyasat kung may mag­hahain ng pormal na reklamo laban kay Egco.

“Well, basta naman po may reklamo, e nagka­karoon din ng imbesti­gasyon ‘no. So, it would help kung mayroon pong formal complaint, dahil iyan po hindi pupu­we­deng balewalain kung mayroong formal com­plaint. Basta po mayro­ong government funds involved, mayroon naman pong posibleng imbesti­gas­yon na mangyari,” ayon kay Roque.

Hindi binanggit ni Roque kung alam na niya ang patong-patong na reklamong isinampa sa Office of the Ombud­sman laban kay Egco no­ong nakalipas na linggo.

Sa 30-pahinang com­plaint affidavit na isinumite ni Joel Amongo, presidente ng DILG-Napolcom Press Club, kabilang sa reklamo na isinampa kay Egco ay online libel, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at paglabag sa mandato ng kanyang opisina.

Naging batayan ng reklamo ni Amongo ang mga panlalait sa kanya ni Egco sa social media, pagtawag sa kanilang grupo ng ‘hao-siao’ o pekeng media practi­tioner, pagkuwestiyon sa pagkalehitimo ng kani­lang press club at pagpa­paalis sa kanila sa press office.

Aniya, imbes protek­si­yonan sila ng opisyal na bahagi ng mandato niya ay mismong nangunguna pa sa panggigipit sa ka­nila.

Napaulat na nag-ugat ang iringan sa P100-milyong pondo para sa public information cam­paign ng DILG sa pag­susulong ng federalismo ng administrasyong Du­terte.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *