Friday , January 10 2025

Duterte, Simbahan nag-usap na

TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Duter­te si Bishop Sofronio Bancud noong 14 Hunyo upang makiramay at tiyakin na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Fr. Richmond Nilo.

“Tinawagan namin si Bishop Sofronio Bancud at personal silang nagkausap ng Pangulo. Ipinarating ng Pangulo ang pakikiramay sa yumaong pari at ini-assure na mabibigyan ng hustisya,” sabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa press conference sa General Natividad, Nueva Ecija kahapon.

Ayon kay Go, maging si Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) president Arch­bishop Romulo Valles ay kinausap din ng Pangulo upang bigyan ng update sa kaso ni Fr. Nilo at inihayag ang kanyang pagkondena sa pagpas­lang sa mga pari sa bansa.

Sinabi ni Go, inatasan niya si National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran upang tutukan ang pag-s­isiyasat sa pagpatay kay Fr. Richmond.

Napaulat na ang dinakip ng mga pulis na suspek na bumaril kay Fr. Richmond na si Adel Roll Milan ay isang “fall guy.”

Nang usisain sa mga pagbatikos ng Pangulo sa Simbahang Katolika at mga pari, ipinaliwanag ni Go na wala nang narinig sa Pangulo sa nakalipas na mga araw.

Matatandaan noong Huwebes, 14 Hunyo ay si­nabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bukas si Pangulong Du­terte sa pakikipag-dialogo sa Simbahang Ka­tolika sa kabila nang ma­aanghang na pag­batikos niya sa ilang mga pari.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *