Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambay puwedeng Rumesbak sa parak

PINAYOHAN ng Palasyo ang mga “tambay” na buweltahan ang mga pulis kung nilabag ang kanilang ka­ra­patan nang arestohin sila.

“Well, kasi po meron tayong established na mga mekanismo para pro­tektahan ang kara­patan ng kalayaan. U­nang-una po, e kapag kayo ay… kapag ang ma­mamayan ay naaresto at hindi naman kinasuhan, pupuwedeng makasuhan ng kriminal for illegal detention iyong ating (ka)pulis(an),” ani Roque hinggil sa “mass arrest” sa mga tambay sa naka­lipas na mga araw.

Inihalimbawa ni Ro­que sa mga umiiral na re­medyo na puwedeng ga­mitin laban sa mga pulis ang “habeas corpus” at “writ of amparo.”

Ang writ of habeas corpus ay isang kautusan para iharap ang isang tao na nakapiit at ipina­hi­hintulot sa isang bilanggo na kuwestiyonin ang lega­lidad nang pagdetine sa kanya.

Ang writ of amparo ay maaaring igiit ng isang tao kung ang kanyang ka­rapatang mabuhay, ka­layaan at seguridad ay nilabag o nanganganib dahil sa isang “unlawful act.”

Giit ni Roque, kapag nagkaroon ng trauma ang isang inaresto sa hinalang tambay ay puwedeng sam­pahan ng kasong sibil at humingi ng danyos laban sa pulis.

Ang pangunahing la­yunin ng direktiba ng Pangulo laban sa mga tambay ay upang bigyan proteksiyon ang publiko, ayon kay Roque.

 ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …