Friday , April 25 2025

Trillanes may tagong yaman abroad — Bong Go

ITINAGO sa ibang bansa ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ninakaw niyang pera ng bayan, ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Ang pahayag ni Go ay tugon sa pagkuwestiyon ni Trillanes sa taguri sa kan­yang “bilyonaryo” ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Go, ang ibig sabihin ng Pangulon ay bilyonaryo siya kapag ipinagbili ng kanyang pamilya ang kanilang ari-arian kaya’t hindi siya kailangan magnakaw ng pera ng bayan taliwas kay Trillanes na itinatago sa ibang bansa ang kinulimbat na pondo ng bayan.

“Alam mo pabirong sinabi ng Pangulo na bilyonaryo ako, merong ari-arian ang pamilya namin na kung sakaling ibenta ito yun po ang ibig sabihin ng Pangulo. Ibig sabihin po noon, hindi ko na kailangang magnakaw ng pera ng gobyerno at pera ng tao katulad ni Mr. Trillanes at itinatago agad sa ibang bansa,” ani Go sa panayam sa Davao City, kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Go, sa imbes na tanggapin ni Trillanes ang hamon niyang one-on-one o mano-mano sa kahit saan kampo, binubuhay ng se­nador ang palasak niyang ha­mon na pagpirma sa waiver.

Binigyan diin ni Go, kapag natalo siya ni Trillanes sa mano-mano, puwede nang maghamon ang senador ng pirmahan at kapag may nakitang bilyon niyang yaman, maaari itong kunin ng mambabatas.

“Kapag natalo mo ako puwede ka na manghamon, at kung meron kang makitang bilyon sa akin, sa ‘yo na,” wika ni Go.

Dagdag ni Go, hang­gang ballpen lang ang ka­yang iposturang laban ni Trillanes kaya ang hamon niya sa senador mag-sak­sakan na lang sila ng ballpen.

“Tanggapin muna ni Trillanes ang hamon ko sa kanya kesa dada siya ng dada. Ang hamon ko sa iyo, one on one, sa tagalog, mano-mano,” ani Go.

“Walang kasamang amo at lahat patas. kahit saang kampo. antayin kita. Sandali ha, ballpen lang pala ang gus­to mo, waiver na naman o saksakan ng ballpen, ito. Tril­lanes, ito lang ba hina­hanap mo, ballpen? “ aniya.

Isiniwalat ni Go, wala nang kakampi si Trillanes at maging mga kapwa PMA­yers ay isinusuka na ang senador.

“Mr. Trillanes, wala ka ngang kakampi kahit mga kasama mo sa cavaliers sinusuka ka na,” sabi ni Go.

Hindi na aniya kailangan isama ni Go ang Pangulo sa paghaharap nila ni Trillanes dahil mas lalong madudu­wag ang senador.

“Dinadamay niya ang amo ko. kasi si Presidente ang sumagot sa sinasabi niyang waiver ka ng waiver, ballpen lang katapat mo, gus­to mo saksakan? Kahit sa­ang kampo, saan ka? Pun­tahan kita. Kasi sinabi niya isama ko amo ko, he was referring to the President. Sabi ko nga lalo siya madu­duwag kapag sinama ko Presidente, ako na lang. Kahit ano nga, gusto niya ngayon waiver ng waiver, ballpen na naman. Walang katapusan iyang ballpen mo. Saksakan ng ballpen,” sabi ni Go.

Walang respeto aniya si Trillanes sa pagtawag sa Pangulo na Mr. Duterte gayong Mayor Duterte lang gusto ng Punong Ehekutibo na itaguri sa kanya.

“Mr. Trillanes, tawag ko sa ‘yo kasi tawag mo sa Pangulo Mr. Duterte lang, wala ka respeto. Kahit gusto ng Pangulo “Mayor Duterte” ang gusto niyang i-address sa kanya , hindi naman nagpapaimportante ang ating pangulo. Yun lang po,” ani Go.

Nagsimula ang girian nina Go at Trillanes nang akusahan ng senador ang SAP na nagdadrama lang na hindi tatakbo sa 2019 senatorial race kaya hina­mon siya ng face-off.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *