Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Singer-actress, dating nanirahan sa tabi ng creek

MATARAY kung sa mataray ang singer- actress na ito, na kilalang ipinaglalaban  ang kanyang katwiran.

Pero tsika ng aming source, mayroon daw tayong hindi alam tungkol sa kanya lalong-lalo na noong panahong hindi pa siya sikat.

“Hoy, huwag niyang madenay-denay na noon, eh, hindi naman kagandahan ang pamumuhay ng pamilya nila, ‘no! Nakatira sila malapit sa creek, na siyempre, eh, daluyan ng mga itinambak na basura. Pinamumugaran siyempre ‘yon ng mga lamok at langaw na puwedeng pagkunan ng sakit,” bungad na tsika ng aming impormante.

Hindi raw kataka-taka kung tinubuan daw ng sakit sa balat ang singer-actress, ”’Day, tadtad ng Galicia (read: galis) ang binti ng lola mo, ‘no! Buti na lang, nakalipat sila ng ibang tirahan. At buti na lang, maalaga na siya sa katawan, kaya ni bakas ng kanyang skin disease, eh, naglaho na.”

Da who ang mataray na singer-actress pero impernes ay mahusay at matalino? Itago na lang natin siya sa alyas na Longganisa.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …