SAMANTALA, masaya namang ibinahagi rin ni Singson ang ibinigay na tiwala sa kanya ng South Korea government dahil magtatayo siya ng business doon.
Anang dating gobernador, “Nag-invest ako sa South Korea, the 1st ever Philippine company to invest in South Korea.”
Katunayan, nagkaroon na ng MOA signing at ground breaking ceremony para sa Satrap Power & Hanwha.
“Nag-invest ako ng solar panel may kapartner na ako. By investing in the energy valley in South Korea, it’s like Silicon Valley, pagpasok mo roon, suportado ka ng gobyerno. So by investing $2-M , binigyan na agad ako ng project at partner pa ako sa expansion nila sa buong mundo ng biomask or waste energy. Which I’m doing now in Ilocos.”
Giit pa ni Singson, “Sa korea, agad-agad, approve, bibigyan pa ako ng funding. While doing in South Korea, ginagawa ko rin dito. Hindi ko naman pinababayaan ang bansa natin.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio