Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KZ Handa nang pakasal, sakaling alukin

KINULIT ni KZ ang boyfriend niyang si TJ Monterde na isa ring sikat na singer na mag-guest.

“Sabi ko, milestone ito sa career ko at it would be my honor if you allow me to sing on stage. Hayun, nakonsensiya siguro kaya pumayag,” kuwento ng dalaga.

Natanong kung may plano na silang dalawa dahil halos lahat ng female singers ng Cornerstone Talent Management ay may mga asawa na at ang latest ay si Moira de la Torre na magpapakasal na rin.

“We will get there in time. Pero I think you should marry when you’re ready,” say ni KZ.

Tatanggapin ba niya kung sakaling mag-propose na rin si TJ sa kanya sa mismong concert niya?

“Siguro!” mabilis na sagot ni KZ. Sabay hirit, ”Bakit ko naman hihindian kung nandoon na baka magbago pa ang isip!”

Limang taon na sina KZ at TJ, pero bilang opisyal na magka-relasyon ay apat na taon dahil isang taon siyang niligawan ng binata.

“Almost five years na kami, he courted me for a year, almost four years na kaming magdyowa. Sobrang thankful ako, he’s very understanding.

“Alam niya kasi, right now, priority namin ang aming careers. Kasi nga, pareho kaming dalawa, we’re just starting. Gusto naming i-build muna nang i-build ‘yung careers namin.

“Sobrang understanding niya na minsan ‘di ko na naiintindihan, feeling ko baka nagtatampo na siya na we don’t talk enough,” kuwento ng dalaga.

Lalo na noong nakipag-compete si KZ sa Singer 2018 sa China, ”When I was in China kasi, walang social media, ‘tapos nagtatapos kami mag-meeting alas-tres na ng umaga.

“Minsan nagpe-Facetime kami, nagbi-video call kami, nakakatulugan ko siya, ni hindi man lang ako nakakapag-babay.

“Pero sobrang naging understanding siya sa whole journey na ‘yun, never niyang ipinaramdam sa akin na nagkulang ako sa kanya as a partner. And I’m really thankful,” papuri niya sa boyfriend niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …