Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, naestsapuwera sa pagpasok ni John sa GMA

KUNG hinahanap ng ilang mga manonood si John Estrada sa lingguhang comedy game show sa GMA, ang absence ng aktor ay dahil nabigyan na siya ng assignment ng network na nilipatan niya.

Matatandaang “sinibak” si John mula sa The Good Son ng ABS-CBN dahil sa umano’y mga issue nito sa co-star na si Mylene Dizon.

Panandalian lang na naging floating ang status ni John na agad ding nakahanap ng bagong tahanan, ang GMA.

Bilang buena mano, isinabak si John bilang bluffer sa Sunday show ng GMA, pero hindi na ito nasundan ng maraming exposure dahil inihahanda na pala ang kanyang regular exposure sa teleserye ni Alden Richards.

In John’s absence from the GMA Sunday show ay regular na napapanood si Gabby Concepcion. Ewan kung ano ang pakiramdam ni Gabby dahil mas nauna pang bigyan ng TV assignment si John na bagong salta kung tutuusin sa estasyon.

Buwan na rin ang binibilang buhat nang mamaalam ang afternoon soap ni Gabby sa GMA, pero mukhang hindi malinaw kung ano ang kasunod nito.

Back to John, hindi na bago kung ganoon siya ka-spoiled sa GMA. Ganoon naman ang network sa mga artistang lumilipat sa kanila from another network.

Kulang na lang ay latagan nila ng red carpet ang mga transferee, pero ang kadalasang ending ay bumabalik din ang mga ito sa kanilang pinanggalingan na parang nakalilimot na minsan ay sinalo sila ng GMA mula sa kawalan.

Sana’y hindi ganito ang mangyari kay John. Sa aminin man niya o hindi ay marami siyang dapat tanawin sa ABS-CBN that made him who he has become.

Nangyari na ‘yon sa iba, posible ring mangyari ‘yon kay John.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …