Monday , December 23 2024

Duterte admin suportado ng SoKor

SEOUL – APAT na bila­te­ral agreements ang nilagdaan sa harap nina Pangulong Rodrigo Dut­er­te at South Korean President Moon Jae-in sa Blue House kahapon.

OPISYAL na nagharap sina President Rodrigo Duterte and Republic of Korea President Moon Jae-in para saksihan ang paglagda sa mga kasunduan ng mga kinatawan ng dalawang bansa sa Blue House, Seoul, Korea kahapon. (ROSE NOVENARIO)

Kabilang sa mga kasunduan ang memo­randum of understanding on transportation coope­ration, memoran­dum of understanding on scien­tific and technologic­al ­cooperation, memoran­dum of understanding on trade and economic coo­peration at loan agre­ement para sa bagong Cebu International Con­tai­ner Port project.

Naglaan ang SoKor government ng P1-B para sa Economic Cooperation Fund para ipantustos sa mga programang pang-impraestruktura ng administrasyong Duterte sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA).

Inaasahang lalong magiging matatag ang relasyong Ph-SoKor sa paglagda sa mga naturang kasunduan lalo na’t ipagdiriwang sa susunod na taon ang ika-70 aniber­saryo ng diploma­tikong relasyon ng dala­wang bansa.

Matatandaan, nang sumiklab ang digmaan sa Korea noong 1950, ang Filipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpadala ng mga tropa sa ilalim ng United Nations command upang tulungan ang South Korea na ipagtanggol ang kanilang kalayaan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *