Tuesday , July 29 2025

PhilHealth chief sinibak

SEOUL – SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si PhilHealth interim president Celestina dela Serna dahil sa napaulat na santambak na katiwalian sa ahensiya.

Kasalukuyang nasa Seoul si Duterte at iniha­yag niya ito sa isang kon­sultasyon sa mga opisyal ng pamahalaan na kasa­ma sa delegasyon.

Sinabi ng source, ang pumalit kay Dela Serna bilang officer-in-charge ng Philhealth ay si Roy Ferrer, doktor at board member ng PhilHealth bilang employers sector repre­sentative at isang tubong Davao City.

Nauna rito, pinaim­bestigahan  ni Pangulong Duterte ang PhilHealth dahil sa COA report  na P627,000 travel expenses ni Dela Serna at ang pagkalugi ng ahensiya ng halagang P9-B.

Sa liham ng Philhealth Workers for Hope, Integrity, Trans­parency and Empower­ment (Philhealth WHITE) kay Pangulong Duterte, isiniwalat ng mga obre­ro ang pagla­gak ng P900 milyon mula sa P1 bilyon Externally Managed Fund (EMF) sa common stocks na labag sa Section 27 (d) ng Republic Act 10606 (PhilHealth Charter) na nagtatakda na dapat ay sa preferred stocks la­mang puwedeng i-invest ang EMF.

Ang pag-invest ng EMF sa common stocks ay nagresulta sa pag­kalugi ng P116 milyon, batay sa income state­ment.

Nabatid sa PhilHealth WHITE, katumbas ng estafa ang sabwatan nina Dela Serna at PHICEA President Esperanza Ocampo, ang ilegal na pagpataw ng P2,000 na 10% agency fee sa 2016  at 2017 collective negotiation agreement (CNA) in­centive na nagkaka­halaga ng P20,000 noong naka­lipas na Enero 2017 sa 3,500 casual employees na umabot sa P16 mil­yon.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

PNP Nicolas Torre III Baste Duterte

C/PNP Torre excited sa charity boxing vs Baste Duterte

BUONG TIKAS na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na …

072625 Hataw Frontpage

Kahit sinong voter o taxpayer maaaring kumuwestiyon
4TH TERM SA KAMARA NG MISIS NI SPEAKER ROMUALDEZ DELIKADONG ‘PRECEDENT’ – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team HINDI lamang political opponents, kundi kahit sinong registered voter o taxpayer ay …

Jose Antonio Ejercito Goitia Liza Araneta Marcos

GOITIA BINANATAN ONLINE BLOG NA IDINADAWIT SI FIRST LADY
“Trahedya ‘wag gamitin bilang sandata sa politika.”

MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na kilalang civic organizations, …

AFAD

Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc.
AFAD kaagapay ang gobyerno sa responsableng pagmamay-ari ng baril, Suporta sa Philippine shooting team

ASAHAN ang mas masigla at progresibong industriya ng baril sa hinaharap dahil  sa suporta ng …

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *