Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine-Alden, burado na sa pag-entra ni Janine

PAHINGA na muna ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil hindi sila ang magkasama sa bagong teleserye ng aktor sa GMA.

Si Janine Gutierrez ang final choice para maging leading lady ni Alden, bagay na matagal na rin namang lumutang. As early as nitong nagdaang Holy Week pa yata.

Marami tuloy ang espekulasyon kung bakit hindi na nasundan ang Destined To Be You nina Alden at Maine. Matatandaang ang taas ng expectations ng network sa lakas ng puwersa nito only to get disappointed.

Hindi kasi gaanong pumalo ‘yon sa ratings.

That time, too, ay tila pababa na ang phenomenal success ng AlDub.

Wrong timing na sa tagal-tagal na naging sikat ang kanilang tambalan ay noon lang naisip na pagsamahin sila.

Ang pagpasok ni Janine is a reaffirmation of sorts (although originally ay isang foreign actress ang inasinta ng GMA to be Alden’s leading lady): isang kasaysayan na lang ang AlDub. Burado na rin sa mapa ang imaginary ng AlDub nation.

Sana lang, sa mga marami’t natitira pa ring miyembro nito’y we can only hope na suportahan nila si Alden kahit hindi si Maine ang partner nito.

At kung mga diehard Maine fans sila, sana ri’y huwag nilang pagdiskitahan si Janine na kung tutuusi’y wala namang kasalanan kung sa kanya man nauwi ang role bilang love interest ni Alden.

It’s about time na i-juggle ng GMA ang kanilang mga talent at hanapan ito ng iba’t ibang makakatambal na posibleng kagatin din ng publiko.

Sa aspetong ito, lamang ang ABS-CBN na walang takot mag-eksperimento.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …