Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Agot, pantapat ng LP kay Mocha

SA darating na October ang alam naming buwan ng filing ng mga COC sa mga tatakbo sa idaraos na mid-term elections sa 2019.

Kaya naman this early ay may pagkilos na ang mga partido para buuin ang kanilang tiket lalo na ang Liberal Party.

Ikinukonsidera ni Senator Kiko Pangilinan si Agot Isidro. Ayon sa mga observer, pantapat si Agot kay Mocha Uson mula naman sa PDP-Laban.

Needless to say, kapwa taga-showbiz sina Agot at Mocha, magkaiba nga lang ng larangan.

Bago pa man ikinukonsidera ni Kiko ang ilang mga pangalang bubuo ng kanilang tiket ay nauna nang lumutang ang balitang inaambisyon ni Mocha ang Senado. Ito rin daw kasi ang public clamor sa kanya.

Inuulit namin, daw.

Pero kung si Mocha ang tatanungin ay hindi pa raw siya tiyak. Manunungkulan daw muna siya bilang ASec.

Kung si Agot naman ang tatanungin, nagpahayag na siyang pag-iisipan niya ito nang maige.

But known for her anti-Duterte stance—and for her image as one who speaks her mind—Agot isn’t a bad choice, after all.

Kung kapwa sigurado na sina Agot at Mocha sa kanilang pagtakbo—regardless if they have what it takes to be a lawmaker—ay nakikinita na namin ang tipikal na kaganapan sa magkabukod nilang rally o miting de avance.

Magsisilbing entertainment segment ang pagpapaunlak ng awitin ni Agot at one rally, at ang todo-bigay na pag-indak ni Mocha sa kabila.

When it will be their turn to speak ay madali ring hulaan kung paanong magsasalita sina Agot at Mocha. Malaking bahagi ang magagawa ng kani-kanilang academic background.

Bemedaled si Agot (gumradweyt with honors in her major course, may comm arts degree pa mula sa UP), medical course naman ang tinapos ni Mocha mula sa UST.

Hitsura ng “UAAP” in a non-sports competition!

Teka, hindi ba sumagi sa isip ni Sen. Kiko na kunin din ng kanilang partido si Jim Paredes, dating taga-Apo Hiking Society na isa ring marubdob na anti-Duterte?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …