SA unang pagkakataon in an interview ay naging open si Kris Bernal tungkol sa kanyang lovelife at sa boyfriend niya of eight months na si chef Perry Choi.
“Siya ang nagturo sa akin na magluto sa kitchen, chef kasi siya at siya ang supplier ng lahat ng raw materials ko.”
May burger kiosks kasi rati si Kris, ang MeatKRIS na isinara na niya last April dahil magbubukas siya ng isang malaking Korean restaurant.
Pinaka-nagustuhan ni Kris kay Perry bukod sa ito ang nagturo sa kanya na magluto ay, ”Very mature siya, he can decide on his own and alam kong maga-guide niya ako.
“Na-realize ko kasi ‘pag kasing edad ko or parehong nasa showbiz parang pareho lang kaming naglalaro, eh.
“Or kung hindi naglalaro parang parehong source of income lang namin itong showbiz, so ‘pag nawala ‘yung showbiz, ‘yung career, parang, ‘Ano ang puwede nating gawing pareho?’”
Chef si Perry sa sarili nitong kompanya.
Pinag-uusapan na ba nila ni Perry ang tungkol sa kasal?
“Hindi pa! Eight months pa lang kami.”
Pero si Perry na ang nais niyang mapangasawa?
“Somehow, siyempre at the moment siya na nga.
“At saka hindi naman ako nakikipag-relationship din ng hindi long-term, eh.”
Chinese si Perry at wala namang problema sa parents nito si Kris. May lahing Chinese rin kasi sina Kris. Chinese ang ina ni Kris na Tan ang apelyido.
“Pero we didn’t practice kasi the Chinese traditions, eh.”
Nakilala na ni Kris ang mga magulang ni Perry.
“Okay naman at saka at first I made sure talaga na hindi ko kailangang, alam mo ‘yun, mag-adjust. “In fairness naman sa family nila.”
Madaling makasundo ang pamilya ni Perry at business partner ni Kris ang boyfriend niya.
Sa The Cure ay guest si Kris bilang si Myra na asawa ni Elmer played by Matt Evans.
Rated R
ni Rommel Gonzales