Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sid & Aya ni Direk Irene, kahanga-hanga

PANALO si Direk Irene Villamor sa paglalahad ng bago niyang obra, ang Sid & Aya: Not A Love Story na pinag­bibidahan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis, handog ng Viva Films at N2 Pro­ductions. Mapa­panood na ito simula ngayong araw.

Sa mga naunang idinirehe ni Villamor, ang Camp Sawi at St. Gallen, itong Sid & Aya ang pinakanagustuhan namin. Bukod sa istorya na binigyan niya ng bagong timpla, humanga kami agad sa pagsisimula ng pelikula. Ito iyong top shots sa lugar ng pinagtatrabahuhan ni Dingdong. Gandang-ganda kami sa mga kuha niya sa maraming lugar.

Tiyak na mai-inlove ang sinumang manonood ng Sid & Aya kahit mula sa titulo nito’y hindi ito isang love story.

Mahal na mahal ng kamera kapwa sina Dingdong at Anne lalo na sa bandang huli ng istorya. Animo’y international model si Anne habang ito’y nasa Japan. Kitang-kita naman ang kakisigan ni Dingdong at bumagay ang buhok niya sa muling pagkikita ng dalawa sa ‘Pinas.

Samantala, naging matagumpay ang red carpet screening na ginanap sa Trinoma noong Lunes. Sinuportahan sina Dingdong at Anne ng kani-kanilang mga kaibigan at kapamilya tulad nina Vice Ganda, Marian Rivera, Jasmine Curtis-Smith at marami pang iba. Naroon din si Angel Locsin na sinuportahan naman ang BF-producer na si Neil Arce (isa sa may-ari ng N2 Productions).

Rated PG ang Sid & Aya: Not A Love Story na palabas na ngayon sa mga sinehan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …