Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolina, nanganak na via caesarian

LIGTAS na nailuwal ni Jolina Magdangal ang ikalawa nilang anak ni Marc Escueta via caesarian sa Asian Hospital and Medical Center kahapon ng umaga.

Isang malusog na baby girl ang iniluwal ni Jolina na pinangalanan nilang Vika Anaya Escueta.

Bago ang schedule ng panganganak ng aktres/singer kahapon, nag-post pa ito sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat na tinabihan siya ng kanyang panganay na si Pele sa hospital bed.

Aniya, mas napanatag ang kanyang kalooban sa pagtabi ng kanyang anak.

Tiniyak din ni Jolens kay Pele na lagi pa rin niya itong yayakapin at nangakong paliliguan, lalaruin, at kukuwentuhan pa rin.

Narito ang kabuuang caption ng picture nila ni Pele, “To my dear Pele, Thank you tinabihan mo parin ako matulog kagabi. Mas napanatag ang loob ko. Pangako ko sayo na hindi ito ang huling akap na tayong dalawa lang. Yayakapin kita habangbuhay hanggat gusto mo pa yakapin si Mama. Kung pagkatapos manganak ni mama, wag ka magtaka kung bakit hindi muna kita makakatabi, sisiguraduhin ko na palagi ka makiss at maparamdam na namiss kita. Pagkatapos ko manganak, kakayanin ko makarecover agad para matulungan parin kita maligo, makalaro ka, makakwentuhan ka, at maenjoy natin ang bago mong kalaro na si Vika.

“Mahal na mahal kita anak. Alis lang si mama sandali, pagbalik ko apat na tayo.e&þ”

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …