Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryle Santiago, perfect maging endorser ng BNY

P ERFECT siya para sa bagong generation today, which is the gen c, perfect example po siya talaga,” ito ang tinuran ni Ms. Denise Villanueva kung bakit si Ryle Santiago ang napili nila para maging endorser ng kanilang produkto, ang BNY.

Flattered naman si Ryle sa pagkakuha sa kanya. ”It’s actually very flattring that they trust me a lot. They’re keeping me for two years so I want to make it as fulfilling for them as possible.”

Bale ika-pitong ambassador na si Ryle kasama nina Joshua GarciaHeaven Peralejo, Andrei Yllana at iba pa.

“It’s a growing family po talaga kami, seven na ang ambassadors namin at dalawang taon ang kontrata ni Ryle sa amin,” sambit naman ni Ms. April Bermudez, designer ng BNY. “Dalawang taon talaga ang ibinigay namin sa kanya dahil perfect po talaga siya sa BNY,” giit pa ni Bermudez.

Bale lahat ng BNY clothes ang ineendoso ni Ryle na nang tanungin kung ano ang pinaka-gustong collection niya sa BNY, sinabi nitong ang everyday collections. ”Ako, T-shirt lang ako or polo, feeling ko sobrang perfect sa akin ang BNY.  There style is very diverse. They cover rugged to preppy.”

Kuwento ni Ryle noong unang pagtapak niya sa opisina ng BNY, nakakita na agad siya ng mga style na gusto niya. ”May mga nakita na ako pero hindi ko pa pwede makuha kasi hindi pa naire-release. Gustong-gusto ko ‘yung existing design nila ng pantalon.Open din sila sa mga suggestion.”

Bale ang pinaka-responsangbleng magagawa ni Ryle sa BNY, aniya ay ang, “To carry the brand name proudly, to create more publicity for them. Na thru may ‘It’s Showtime’ show, na araw-araw ako roon, guaranteed mayroon silang exposure everyday kaya masasabi kong may edge ako roon sa iba. And marami nga pong artista ngayon pero, magkakaalaman na ‘yan kapag nakaharap na sa tao.”

Sa kabilang banda, pangarap ni Ryle na makapag-solo concert na sa kasalukuyan ay napapanood sa Asintado atIt’s Showtime ng ABS-CBN at mapapanood na rin siya sa pelikula na ipalalabas na this year.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …