Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong commanders ng MPD Sta. Cruz (PS3) at Sampaloc (PS4) stations nangako ng pagbabago

NGAYON pa lang ay inaasahan na ang malaking pagbabagong magaganap sa hanay ng pulisya sa Manila Police District (MPD) Sta. Cruz (PS3)  at Sampaloc (PS4) stations sa pamumuno ng mga bagong station commanders na sina Supt. Julius Domingo at Supt. Andrew Aguirre dahil sa kanilang pangakong lilinisin at aayusin ang kanilang area of responsibility (AOR)  partikular sa peace and order sa kanilang mga nasasaku­pang lugar.

Bukod dito, sinabi ng dalawang opisyal na lilinisin nila ang kanilang lugar laban sa mga ilegal na droga at street crime, partikular sa university belt at matataong lugar. Mas lalo umano nilang paiigtingin ang police visibility upang mas mabantayan ang kapakanan ng taong bayan.

Nawa’y mapagtagumpayan ng dalawang opisyal na tuparin nang maayos ang kanilang mga pangako at nang sa ganoon ay manumbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya.

Mabuhay kayo and more power.

ALYAS TATA MOTMOT
NG MPD STATION 5
ISINUSUKA NG VENDORS 

SINO ba itong isang alyas Tata Motmot na isinusuka ng mga vendor sa AOR ng MPD Ermita (PS5) station? Mistulang berdugo umano si Motmot kung ‘makakolekta’ ng intelihensiya sa mga vendor diyan sa ng Paco Market at sa Paz St.

Wala raw pakialam ang mama kung wala pang benta basta ang mahalaga ay maibigay ang obligasyon nila sa estasyon dahil kung hindi ay siguradong hahakutin ang mga paninda nila. Wala raw siyang magagawa dahil may obligasyon din po siya kay kernel.

Aray ko po! Motmot kung may obligasyon ka man at kung sino man ang kernel na ‘yan, maawa naman kayo sa mga pobreng vendor na may mga pamilyang pinapakain. Tandaan rin ninyo, mabilils ang karma at baka ito’y tumama sa inyo agad-agad. Kaya habang maaga pa ay baguhin mo na ‘yang bulok mong diskarte sa pango­ngo­tong sa mga vendor.

PNP Chief Oscar Albayalde Sir, anong masasabi ninyo sa bata ninyong si Motmot.

 

SNATCHERS
NA NAGLIPANA
SA NORTH
CEMETERY
KASTIGOHIN

GRABE pala ang mga isnatcher ng cellphone sa harapan ng North Cemetery sa Maynila. Ang kanilang estilo ay hihintayin nilang mag-stop ang traffic light at kanilang bibiktimahin ang mga pasahero ng mga pampasaherong dyip.

Nabiktima ang pasahero na may hawak na cellphone at nakaupo malapit sa hulihan ng dyip. Noong nag-stop ang traffic light, saktong ginagamit ng pasahero ang kanyang cellphone, ginawa itong oportunidad ng snatcher para makuha ang cellphone.

Ang pasahero ay nasakal pa ng snatcher upang ang cellphone ay kanyang makuha. Sa kabutihang palad, hindi nakuha ang cellphone ng pasahero ngunit halata sa mukha ng biktima ang sobrang takot sa insidente.

Upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari, mas makakabuting ‘wag maglabas ng cellphone habang nakasakay sa mga pampublikong sasakyan. At sa mga pulis na nakasasakop sa nasabing lugar, galaw- galaw naman ‘pag may time.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …