KAHIT hindi pa rin magkabati ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador ay suportado pa rin ng ina ang anak sa pelikulang So Connected na nagbukas kahapon sa maraming sinehan nationwide.
Nag-post si Jenine sa kanyang IG account ng poster ng So Connected na nakahiga sina Jameson Blake at Janella kasama, kasama si Panti-Panti na may caption na, “j9desire- So Connected now showing starring my daughter, Janella Salvador, and Jameson Blake. Friends, kindly watch & show your support! Thank you!”
Ilang buwan o umabot na rin yata ng isang taon na hindi okay ang relasyon ng mag-ina pero may kasabihan nga na ‘hindi matitiis ng ina ang anak.’ At sa pagkakaalam din namin ay nagre-reach out din si Janella sa mommy niya. Kaya ikinataka namin ang sinabi ni Jenine na hindi siya binati ng anak noong Mother’s Day.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com