Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jameson at Janella, mas bagay

ANYWAY, pagkatapos ng premiere night ng So Connected sa SM Megamall Cinema 7 nitong Martes ay nakatsikahan namin ang dalawang bidang sina Jameson at Janella na kitang-kita ang saya dahil positibo ang reaksiyon ng tao considering na hindi naman sila ang magka-loveteam.

Ang supporters ng bawat isa na nakapanood ay talagang walang tigil ang hiyawan na ibig sabihin ay tanggap nila ang partnership nina Jameson at Janella.

Unang beses palang mapanood nina Kartel at Trisha ang kabuuan ng pelikula nila.

“First time po kasi naming mapanood ng buo ang pelikula at sobrang galing nga talaga ni direk Jason,” masayang sabi ni Janella.

May panghihinayang naman sa parte ni Jameson dahil feeling niya ay hindi niya naibigay ang best niya.

“I’m satisfied with the movie, but I know I can do better. I mean, I’m satisfied naman with my performance but for me, I know I can do better (pa). Some changes but all in all okay naman that was good,” katwiran ng binata.

At ang reaksiyon ni Janella sa supporters na hiyawan ng hiyawan sa loob ng sinehan, “Ang saya-saya nga kasi upon hearing their reactions, it validates you as an artist, sobrang nakatutuwa at nakakikilig na ganoon ang reaksiyon nila, masaya.”

Ayon naman kay Jameson, relatable sa kanya ang karakter niyang Kartel, “medyo nakare-relate ako sa character ko na tahimik lang, mahiyain, kaunti lang ‘yung adjustments na ginagawa ko.”

Posibleng masundan ang tambalang Jameson at Janella dahil bagay sila sa malaking telon at talagang cute nila.

“We’ll see pag may in-offer, doon ko ide-deal,” say ng dalaga.

“I’m open for suggestions naman,” sabi naman ng binata.

Kinilig ang dalawa sa eksenang hinahanap ni Kartel si Trisha at ‘yung kinukunan ng dalaga ang binata ng hindi nito alam, kami rin gusto namin iyon, ‘di ba Ateng Maricris. Pati ang mga sweet moment nila at pagkikita nila pagkalipas ng dalawang taon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …