Tuesday , April 15 2025

Sa ilalim ng TRAIN Law, Oil price ‘pag sumirit Palasyo may planong contingency

MAYROONG contin­gency measure ang Mala­cañang na handang ipa­tupad sakaling sumirit nang todo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Kapag pumalo sa $80 dollars per barrel ang 3-month average na presyo ng krudo sa pan­daig­digang pamilihan, susus­pendehin ang excise tax na ipinapataw sa pro­duktong petrolyo na nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kasama ‘yan sa nakalatag na contingency plan ng gobyerno para maayu­dahan ang publiko dahil sa ipinatupad na TRAIN law.

“…we are ready kung talagang umabot nang ganyan kataas na isus­pen­de ang koleksiyon ng excise taxes pagdating sa produkto ng langis,” ayon kay Roque.

Sa monitoring ng Department of Energy, noong nakaraang linggo ay nasa $77.05  dollars per barrel ang presyo ng Dubai crude.

Dagdag ni Roque, bukod sa P200 dagdag benepisyo sa mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang ibibigay ng pamahalaan, may iba pa aniyang benepisyo na itinatakda ng batas kaya makikipag-ugnayan siya sa Department of Finance para rito.

“…at tatanungin ko kung nai-release na ‘yung ibang biyaya intended to ameliorate o ibsan ‘yung epekto ng TRAIN.”

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *