Monday , December 23 2024

Montano nag-resign

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang pagbibitiw ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.

Kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na sa kan­yang tanggapan ipina­dala ni Montano ang resignation letter at agad na tinang­gap ito ng Pangulo kaha­pon.

“I am truly grateful for the trust and the opportunity you have bestowed upon me to serve our country through the Tourism Promotions Board,” sabi ni Montano sa liham sa Pangulo.

Napaulat na nag-usap sina Montano at Pangulong Duterte hing­gil sa nabulgar na P80-M Buhay Carinderia project na isinulong ng TPB.

Hinimok umano ng Pangulo si Montano na mag-resign.

Nauna rito, nagbitiw rin bilang Tourism secretary si Wanda Teo nang maisapubliko ang P60-M advertisement deal ng DOT sa kom­panya ng kapatid ni­yang si Ben Tulfo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *