Monday , December 23 2024

‘Judiciary fixer’ inilaglag ng Palasyo (Stepfather ng kontrobersiyal na apong debutante)

NAGBABALA ang Palasyo sa publiko, lalo sa judges at justices na mag-ingat sa “judiciary fixer” na asawa ng dating manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque na walang kinalaman ang Unang Pamilya sa gina­wang pag-iikot  ng asawa ng dating manugang ng Pangulo sa mga hukuman para mag-impluwensiya sa mga kaso.

“Now we are also warning the public, including judges and justices. Mayroon pong umiikot, ito naman po ay asawa ng isang ex-wife ng anak ng ating Presidente, ginagamit po ang panga­lan ng apo ng Presidente para sa pagpi-fix ng mga kaso,” ani Roque.

Iginiit ni Roque, hindi kaanak ng mga Duterte ang judiciary fixer kahit pa ginagamit niya ang pangalan ng apo ng Pangulo.

“Sa mga mahistrado po, mga judges and justices, huwag ninyo pong i-entertainin itong fixer na ito. Hindi po talaga kamag-anak iyan ni Presidente, e ikina­lu­lungkot po na mayroong kinalaman sa apo, wala po tayong magagawa riyan pero wala pong awtoridad iyan na gami­tin ang pangalan ng Presidente at ng apo ng Presidente. In any case maski ginagamit po ang pangalan ng apo ng Presidente, hindi po iyan sanction. So ang balita po e nagpi-fixer sa hudika­tura,” dagdag ni Roque.

Payo ni Roque sa pu­bliko, isumbong sa Palasyo kapag nilapitan ng naturang judiciary fixer.

“So ang pakiusap po sa justices at mga judges, isumbong ninyo po sa Malacañang iyan. Huwag ninyo pong pagbigyan dahil wala pong awtori­dad iyan, nakakahiya man, hindi naman tunay na kamag-anak ng Pre­sidente, hindi po iyan kinokonsinti ng ating Presidente,” aniya.

Sa dalawang anak na lalaki ng Pangulo, tanging si dating Davao City Mayor Paolo Duterte ang diborsiyado sa unang asawa na si Lovelie Sangkola Sumera.

Si Sangkola ay asawa ngayon ni RJ Sumera.

Sina Paolo at Lovelie ay may tatlong anak, ang bunso na si Isabelle ay nagtapos kamakailan sa Senior High School sa San Beda College Alabang at nagdaos ng bonggang debut party sa Manila Peninsula Hotel.

Naging kontrobersiyal ang pre-debut pictorial sa Palasyo na ang isang kuha ay sa mismong presiden­tial seal sa Rizal Hall.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *