Saturday , April 5 2025

No. 1 kagawad patay sa ambush (Sa Quezon province)

BINAWIAN ng buhay ang isang re-elected barangay kagawad ma­ka­raan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Sta. Rosa, Mulanay, Quezon province, kaha­pon ng umaga.

Sa ulat kay Police Regional Office IVA director, Chief Supt. Guil­lermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang biktimang si Kagawad Felix Moldon, residente sa Brgy. Sto. Niño, Mulanay.

Ayon sa ulat, dakong 7:45 am, sakay ng motor­siklo ang biktima at nakatigil sa highway sa Brgy. Sta. Rosa nang du­mating ang nag-iisang suspek lulan din ng motorsiklo at pinagba­baril ang kagawad.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng suspek at kung may kinalaman ang insidente sa katatapos na nabarangay election.

Si Moldon ay isang re-elected at nanalo bilang number one kagawad sa Brgy. Sto. Niño, Mulanay ng nasabing lalawigan.

(ALMAR DANGUI­LAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *