PROFESSIONAL talaga si Kris Aquino dahil kahit na iika-ika sa pamamaga ng kaliwang tuhod dahil nahulog siya sa hagdanan ng bahay nila nitong Martes ay tumuloy pa rin siya sa shooting ng I Love You, Hater kahapon (Mayo 16) na ayon sa kanyang KCAP staff na si Jack Salvador ay inaayusan ang lady boss niya at pinadalhan pa kami ng litrato habang mine-make-apan.
Ani Jack, “kukunan po siya ng webisodes sa shoot. ‘Di po ba ang karakter niya ay parang siya rin as Kris Aquino na gumagawa ng webisodes.”
Tinanong namin na baka isinabay na rin ang pag-shoot ng brand partners at isama na lang sa pelikula o tinatawag na intrusion, pero hindi raw, “ay hindi po, walang ipinakitang product,” saad ni Jack.
Anyway, base sa caption ni Kris na ipinost niya nitong Martes ng gabi na namamaga ang kaliwang tuhod at nakahiga siya sa kama para ipahinga habang kini-kiss siya ng bunsong anak na si Bimby.
”To the left is my swollen knee & below the red purple start of bruising where all my weight was absorbed when my satin slides (birkenstock like w/ rubberized soles BUT alam n’yo naman, I am LAMPA (all caps) got caught in the 2nd to the last step of our stairs at home on my way to vote then shoot. From experience I knew to just let myself fall, didn’t use my elbows to break the fall & in my case tried my best to shield my face. I’m allergic to anti-inflammatory medicine & ointments so we’re using essential oils, we mixed lavender & helichrysum w/ fractionated coconut oil. My fault- tinuloy ang shooting naka-heels yesterday & di nakapag ice. 1st 24 hrs ice to lessen swelling, after heat na. #livelifewithkris.”
Natawa naman kami sa sinabi rin ng Queen of Social Media cum actress na para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ay pinakinggan niya ang mga awiting Fallin at Catch Me I’m Fallin.
Aniya, “Swipe left if you want to see the “shoe” culprit (apart of course from my undeniable lack of balance)- shooting tomorrow (kahapon) in Antipolo so while resting in bed w/ my left leg elevated, inaliw ko na lang sarili ko, umemote & made a FALLING playlist. I love @reginevalcasid’s Fallin’ & my inaanak @celestinegonzaga’s Catch Me I’m Falling. My doctor gave me some allowable pain medication. Will shower- while seated then put my essential oils, and sleep early. Working straight tomorrow onwards. Good night.”
At kahapon nga ng umaga habang naghahanda sa pagpunta sa location shoot si Kris ay nag-post ulit siya ng, “posting this while having my coffee getting ready to go to shooting. Needed to remind myself- how much I prayed for all these blessings. I wanted to express my sincerest gratitude to BENBY (parent company of SIMPLY & if you google- they are the distributors of maybe at least 1/3 of the imported products in our supermarkets). And to the kindness of destiny for bringing the right people into my life & all the people who believed & continue to open all these doors for me. Good morning. #lovelovelove #laban.”
Kasal, naka-P1-M agad!
MARAMING naka-miss kay Bea Alonzo bilang movie queen ng henerasyon ngayon dahil nakaka-dalawang screening palang yata o hindi pa sa SM Cinemas ang pelikulang Kasal na nagbukas kahapon ay naka-P1-M na ito. Paano pa sa maghapon hanggang gabi?
Tsika ng kakilala namin sa SM Cinemas ay posibleng lumakas pa sila sa gabi dahil karamihan naman ng audience ng mga ganitong pelikula ay mga nag-oopisina kesehodang may kasabay na foreign film.
Gusto sana naming hintayin ang resulta ng 3PM kaso hindi na namin mahintay ang kausap namin dahil kailangan na naming tapusin ang kolum na ito.
Napanood na namin ang Kasal sa premiere night nitong Martes at ang ganda ni Bea sa buong pelikula na talagang alaga siya ng magagandang kuha ni Direk Ruel S. Bayani. Pati rin naman sina Paulo Avelino na fresh looking at ang bango at si Derek ay halatang nakapagpahinga bago siguro sinyut ang pelikula dahil hindi siya haggard looking.
Medyo nakulangan kami sa kilig kina Paulo at Bea na tulad sa nakita namin sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon (2014). Well, magkaiba naman kasi ng kuwento.
Maayos at walang butas para sa amin ang kuwento ng Kasal at hindi na namin ikukuwento kung sino ang nakatuluyan ni Bea sa huli para may aabangan ang manonood.
Bukod kina Bea, Paulo, at Derek ay kasama rin sa pelikula sina Cris Villongco, Vin Abrenica, Kylie Versoza, Cherie Gil, Ricky Davao, at Christopher de Leon mula sa direksyon ni Ruel S. Bayani at 25th anniversary presentation ng Star Cinema.