NAPAG-USAPAN ang tungkol sa medical marijuana na nakagagamot umano ng kanser, na sinubukan din sa ama ni Tom Rodriguez sa Amerika noong nabubuhay pa ito.
“Hindi ko lang masabi lahat kasi when we tried it… sabi ko nga eh, when I came here for the PCCS, the Philippine Cannabis Compassion Society, they brought me there and I wanted to see.”
May mga kakilala siya na may alam din tungkol sa researches sa medical marijuana.
“Kasi lahat ng information ko about that, and I was researching for it kasi we were desperate tapos nakita niya ako, and I hid it away, kasi siyempre the taboo and the stigma against it, I thought I would be judged.”
Nagkataon naman pala na ang naturang kakilala niya ay may mga pag-aaral din tungkol sa medical marijuana.
“She had a lot of information that the doctors in the States didn’t have kaya I’m so thankful to my friend, if it wasn’t for her, I may have not been able to give that option to dad.
“’Yun nga lang we found out, we were able to use that option way too late, na hindi na niya kaya at ‘yung nalaman ko hindi pala sapat na legal siya, hindi sapat na may access ka, kasi kung ‘yung stigma and impormasyon wala roon, mahirap.
“Kasi even when you guys are trying to use it for… for dad, for example for our case, I mean there are people around you who will judge you, na tuloy hindi pala naibibigay ng tama, hindi naano kasi iniisip mo baka hindi nakatutulong, baka mas nakasasama sa kanya.”
Hindi alam ni Tom kung totoo nga na sa early stage ng kanser ay nakagagamot ang medical marijuana na masasabing “alternative route” na gamot sa kanser.
“I wouldn’t know kasi by the time we went to the alternative route it was way too late.”
Nanghihinayang si Tom na kung totoo ngang may lunas na ang kanser tulad ng napapabalita ay hindi man lamang ito umabot sa ama niya na pumanaw last March sa Amerika.
Ang The Cure ay may plot tungkol sa kanser na pinagbibidahan nina Tom at Jennylyn Mercado bilang Gregory at Charity Salvador; kasama rin sina Irma, Jaclyn Jose bilang Dr. Evangeline Lazaro, Mark Herras bilang Darius, LJ Reyes bilang Katrina, Ken Chan bilang Josh Lazaro, Jay Manalo bilang Fernan, Ronnie Henaresbilang Eduardo, Glenda Garcia bilang Lorna, Diva Montelaba bilang Suzy, Arra San Agustin bilang Anna, at Leanne Bautista bilang Hope.
Ito ay sa direksiyon ni Mark Reyes para sa GMA.
Check Also
Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto
HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …
Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan
MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …
Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA
RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …
Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen
I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …
JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko
I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …