Friday , November 22 2024

Vic at Coco, magsasama sa pelikula para sa MMFF 2018

MAGSASAMA pala sa isang pelikula sina Coco Martin at Vic Sotto na entry nila sa Metro Manila Film Festival 2018.
Matagal nang sinasabi ni Coco na gusto rin niyang makatrabaho ang mga artistang taga-GMA 7 at siya rin mismo ang nagsabi na sana wala ng network war.
Nakagugulat ito para sa supporters nina Coco at Vice Ganda na hindi na sila mapapanood na muling magsama sa pelikula.
Pagkatapos magsolo si Coco sa Ang Panday at si Vice sa Gandarrapiddo, The Revenger Squad ay inakala ng lahat na muli silang magsasama ngayong MMFF 2018, pero hindi na pala.
Tinext namin si Vice kung okay ba sila ni Coco dahil bakit hindi na sila magkasama.
“I would love to work with him again. Pero as far as I know, matagal na niyang (Coco) naplano na tumandem with Bossing (Vic). There’s no problem though. That’s normal as actors to work with different artists. We’re still the best of friends,” mensahe sa amin ni Vice na kasalukuyang nasa Los Angeles, California USA para sa Pusuan si Vice Ganda series of shows.
May nakarating din sa amin na hindi na si Joyce Bernal ang direktor ng entry ni Vice sa MMFF 2018 kaya muli naming tinanong ang GGV Host.
“There’s nothing final yet. ‘Di ko pa po alam din ang napagdesisyonan ng Star (Cinema). I still haven’t confirmed anything from either direk Joyce or Binibini. I’d know when I come back,” text message sa amin.
Nang tanungin naman namin si Binibining Joyce tungkol dito ay, “di ako natuloy kay Vice.”
Hala, sino na ang direktor ni Vice, eh, siya lang ang gamay na ng TV host/actor?
“Okay na, iba (direktor) naman. Oks na ako,” sagot sa amin ng direktor.

Philippine Cinema, patuloy sa paglaki sa pamamagitan ng Cannes 2018
SA tagal naming nagsusulat ng balita tungkol sa showbiz ay ngayon lang namin nababasa ang mga project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) mula sa panunungkulan ni Ms Liza Dino.
Akalain mo halos linggo-linggo yatang may releases ang FDCP kung ano-anong proyekto nila tulad nitong promo ng Filipino delegations sa Cannes International Film Festival at Cannes Film Market (Marche Du Film) na nagsimula noong May 8 na tatagal hanggang May 19, 2018 sa France.
Ipalalabas sa nasabing film festival ang short film competition ng pelikulang Judgement ni Raymund Ribay Gutierrez. Ang nasabing pelikula ay tungkol sa inang si Joy na inaabuso ng kanyang asawang si Dante.
Nominado rin sa Best Short Film ang pelikulang Imago ni Raymund sa Cannes.
May premiere rin ang restored ver­sion ng 1982 French-Filipino film na Cinq et la Peau (Five and the Skin) sa Cannes Directors’ Fortnight. Ang buong pelikula na kinunan sa Pilipinas ay tinatampukan nina Gloria Diaz, Bembol Roco, at Philip Salvador. Nai-feature na rin ito sa Cannes’ Un Certain Regard, 36 taon na ang nakalilipas.
Kasama ang award-winning Filipino short film director na si Carlo Manatad bilang participant sa Cinefondation’s Atelier. Si Carlo at ang kanyang producer na si Armi Cacanindin ay ang tanging Filipino na kalahok sa nasabing programa.
Host naman sa Cannes Film Market ang FDCP ng Philippine Pavilion na magtatampok sa 18 Filipino production companies with contents and projects open for collaboration and international distribution.
“Philippine Cinema is at its one hundred years and we are really exci­ted because we get to bring the celebration to Cannes. Cannes has played such an important part in the promotion of Philippine Cinema worldwide, taking notice of our legendary filmmakers from Lino Brocka and Ishmael Bernal in the 70’s to today’s Brillante Mendoza, Raymond Red, Adolf Alix and the many Filipino filmmakers making waves in the Festival. At the same time, Marche Du Film has been a great platform for our producers to be exposed to the world of global co-production and distribution. Because of that, we really want to maximize our annual participation especially this year to both the Festival and the Market,” pahayag ni Ms Dino.
Ibinalita rin ng hepe ng FDCP na sa unang pagkakataon ay ang Pilipinas ang magiging Spotlight Country sa Cannes Producers Network, isang industry event na nagpa-facilitate ng koneksiyon sa mga producer na nag-eengganyo sa posibleng international co-productions.
Bilang Spotlight country, magkakaroon ng chance ang bansa na i-showcase ang pinakamagagaling na producers na sina Alemberg Ang (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, 2 Cool 2 Be 4gotten, Ang Larawan), Armi Rae Cacanindin (Kusina, I’m Drunk I Love You, Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month), Pedring Lopez (Binhi, Nilalang, Dark Room), Sheron Dayoc (Halaw, Children’s Show, Women of the Weeping Ri­ver), at Bianca Balbuena (That Thing Called Tadhana, Hele Sa Hiwagang Hapis, Ang Panahon ng Halimaw).
Tampok din sa Spotlight event ang Cannes Best Director 2009 na si Brillante Mendoza, Palm d’Or Short Film 2000 winner Raymond Red, at FDCP Chairperson Dino bilang guests of honor.
At dahil sa rami ng projects na ito ni Ms Dino, hindi maiwasang kuwestiyonin siya sa pondo tulad ng nangyari sa partner niyang si Aiza (Ice) Seguerra bilang dating pinuno ng National Youth Council.
Ayon sa FDCP CEO ay handa siyang ipakita ang libro ng ahensiya.
“It’s important for us to be vigilant and transparency is very important. Open kami kaya lang mayroon kasing iba na malicious na kahit naman diretso ang ginagawa mo, nakaka­hanap at naghahanap ng mali.
“We’re open to those who does not have malicious intent in looking into our books, pero halimbawa lang kung ang gusto mo ay pabagsakin at punahin ang FDCP, ay ibang usapan na iyon,” sabi ni Ms Dino.
Dagdag pa, “Number one. It’s our mandate. Number 2, nasa mandate namin sa FDCP to promote Philippine cinema in domestic and foreign market. To promote Philippine cinema in local and international film festivals. Doon pa lang, justified na iyong mga ginagawa namin. Wala naman kaming junkets. I can attest to that, sampu ng mga filmmaker na kasama namin na nagtatrabaho kami at walang pahinga pagdating namin doon.”

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *