Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo at Derek, kapwa umaarangkada ang career

PANALO ang movie career ng dalawang artists ng JLD Management, sina Paolo Ballesteros at Derek Ramsaybilang dalawa sa trusted at bankable lead actors sa pelikula. 

Box-office sa takilya ang latest starrer ni Paolo mula sa Regal Entertainment, ang My 2 Mommies na kumita ng P5.5-M sa opening day. Hindi lang ito pinilahan sa mga sinehan, umani rin ito ng magagandang reviews sa kanyang performance.  

Bentang-benta ang pagbibitiw niya ng nakatatawang linya at tagos sa puso ang kanyang pagdadrama. 

Pagkatapos ng M2M ay ikinakasa na ang next movie ni Paolo na lalong magpapatingkad sa kanya bilang box-office attraction at magaling na aktor! 

Si Derek naman ay huling napanood sa Metro Manila Film Festival na All of You at nanalo bilang Best Actor. Bago ‘yon, tinangkilik ng moviegoers ang Regal movies niyang Love Is Blind at The Escort. 

At heto ang bagong pelikulang Kasal na kasama si Derek para sa opening salvo ng Star Cinema sa pagdiriwang nila ng 25th anniversary. Naunang ginawa na ng aktor ang mga pelikulang nagtala ng box office hits tulad ng No Other Woman, Ex With Benefits, I Love You Goodbye, The Unkabogable Praybeyt Benjamin at iba pa. 

Abangan ang pelikulang Kasal at kasama ni Derek sina Paulo Avelino at Bea Alonzo. Mula ito sa direksiyon niRuel Bayani sa mapapanood sa Mayo 16. 

Kailan naman kaya magsasama sa isang project sina Paolo at Derek, Jojie Dingcong? 

  FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …