Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia

Pagtakbo ni Dingdong sa 2019, suportado ni Marian

HABANG papalapit ang 2019, lalong umuugong ang balitang tatakbo si Dingdong Dantes bilang Senador next year.

May isang survey nga na lumabas na kahit hindi pa man nagdedeklara si Dingdong na tatakbo siya ay lumabas na ang pangalan nito bilang isa sa mga pinagpipilian ng mga netizen na maging Senador.

Pinabulaanan naman ni Marian Rivera ang tsikang tutol siya kung sakaling pasukin ng kanyang mister ang politika.

“Misis,” sabay-turo ni Marian sa kanyang sarili, “kung ano ang gusto ng asawa.

“As long as para sa kabutihan, para sa ibang tao, at tumakbo man ang asawa ko hindi, known naman ang asawa ko sa pagtulong sa ibang tao.

“Dati pa, hindi ko pa asawa ‘yan, ganyan na ‘yan.

“At saka if ever na tatakbo siya, parang wala naman akong nakikitang masama o dahilan para hindi siya tumakbo.

“Well iba ang buhay ng politika, iba ang showbiz pero sabi ko nga kahit ano pa ‘yan, one hundred percent susuportahan namin siya ng anak namin.”

Dagdag pa ni Marian, “Kung tatakbo man ang asawa ko eh nasa sa kanya ‘yan.

“Basta ako lahat ng gagawin niya sa buong buhay niya eh susuportahan ko siya at palagi akong nasa likod niya.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …