Friday , November 22 2024
sinesaysay FDCP NHCP
sinesaysay FDCP NHCP

Mga kalahok sa SineSaysay, ilalaban sa filmfests abroad 

SUNOD-SUNOD ang mediacon ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) head, Ms. Liza Dino nitong mga nakaraang araw para ianunsiyo ang mga proyekto ng departamentong pinamamahalaan niya tulad ng Pista ng Pelikulang Pilipino at Famas.

Nitong Lunes ay muli siyang humarap sa media para naman sa SineSaysay Documentary Competition na posibleng mapanood at ilaban  sa film festivals sa labas ng bansa.

Ayon sa hepe ng FDCP, may dalawang kategorya ang SineSaysay, Ang Bagong Sibol Documentary Lab at Ang Feature Documentary Showcase na nakipag-partner siya sa National Historical Commission of the Philippines para sa concept ng mga pelikula na focus sa unvisited moments at events sa Philippine History.

“This first year of SineSaysay is an important step for us to expand the empowerment and appreciation of other types of film making. Documentary films have form part of our collective consciousness, highlighting very relevant social issues and even inspiring real change, and it is high time that we actively support the production of more of these types of films.

“Masaya ako sa aking ginagawa kaya tinitingnan ko lahat para suportahan ang ating mga kasamahan sa industriya ng pelikula. Kahit walang tulog, sige lang. Sisiguraduhin ko na habang ako ay nandiyan, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para sa industriya ng pelikula,” pahayag ni Ms. Liza.

Ang finalists sa Bagong Sibol category ay bibigyan ng P100,000 bilang seed money para makabuo ng 10-20 minutes version ng project. Ang shortlisted projects ay sasailalim sa lab program at ang dalawang mapipili ay bibigyan ng Bagong Sibol Production Fund (BSPF) ng halagang P700,000 para mag-produce ng feature versions.

Ang shortlisted finalists para sa Bagong Sibol ay ang mga sumusunod: Ang Huling KaharianBryan Kristoffer Brazil; Mga Bayaning AetaDonnie Sacueza; El CaudilloKhalil Joseph Banares; Patay Na RilesJohn Christian Samoy; A Memory of EmpireJean Claire Dy;

Dr. Jose N. RodriguezA Filipino Leprologists JourneyMicaela Fransesca Rodriguez; Noong, Sa Aming PagkabataDarlene Joanna Young; Kachangyan Wedding ReduxLester Valle at Carla Ocampo.

Sa Feature Documentary Showcase ay apat na filmmakers ang makatatanggap ng tig-P1-M bilang co-production grant para mag-produce ng creative documentary films para sa mga sumusunod. Untitled Project—Cha Escala; Daang Patungong TawayaKevin Piamonte; LooterJayson Bernard Santos; Heneral AsyongVictor Acedillo.

Ang mga pelikulang kasama sa SineSaysay ay mapapanood sa premiere screenings ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa susunod na taon, 2019.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *