Monday , December 23 2024
OFW kuwait

Duterte isinugo sina Bello at Roque sa Kuwait (Para sa diplomatic talks)

IPINADALA sa Kuwait ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Presidential Spokesman Harry Roque upang makipagpulong sa Kuwaiti officials sa layuning maibalik sa normal ang relasyon ng Filipinas sa Gulf state.

Kasama rin sa Philippine delegation sina dating DOLE Secretary Marianito Roque, Labor Attache Rustico dela Fuente, at Deputy Chief of Mission in Kuwait Mohd Noordin Lomondot.

Anang kalatas ng Palasyo, tinukoy ng Kuwaiti government ang kahalagahan ng mga Filipino sa kanilang bansa.

Inaasahang malalagdaan ang memorandum of agreement matapos ang pulong ng PH delegation at Kuwaiti authorities.

Ayon sa Palasyo, pumayag ang Kuwait na bumuo ng Special Unit sa kanilang pulisya na makikipagtulungan sa Philippine Embassy kaugnay sa mga reklamo ng overseas Filipino workers (OFWs) na puwedeng magresponde nang 24-oras at isang special number na puwede rin tawagan para humingi ng ayuda.

“Kuwait agreed to create a Special Unit within the police that the Philippine Embassy can liaison with regarding complaints of Filipino workers which will be available 24 hours and a special number that Filipino workers can call for assistance (also available 24 hours),” sabi sa kalatas.

“The meeting of officials between the two countries likewise saw the release of four drivers. It guaranteed that all remaining undocumented Filipinos (under 600), except for those with pending cases, will be allowed to go home — at least 150 of them will be joining  the Philippine officials in returning to the Philippines,” sabi sa kalatas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *