Monday , May 5 2025

Kasunod na! PhilHealth pupurgahin ni Duterte

PUPURGAHIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth upang mai­pagkaloob ang universal health care sa mga Filipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, iimbestigahan ni Pangulong Duterte ang napaulat na  Commission on Audit (COA) report na P627,000 travel expenses ni officer-in-charge Celestina dela Serna at ang pagkalugi ng ahensiya ng P9-B.

“Well, alam ko po iimbestigahan din po iyan ng Presidente ‘no. Dahil prayoridad po talaga ng Presidente na magbigay ng universal health care at talagang kung hindi po malilinis ang hanay ng PhilHealth, hindi po (magkakatuparan) itong universal health care. So ito lang po ang maipapangako ko po: Talagang bibigyan po ng importansiya ang paglilinis sa hanay ng PhilHealth,” ani Roque.

Sa liham ng Philhealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (Philhealth WHITE) kay Pangulong Duterte, idinetalye ang pagmamalabis sa tungkulin at panunupil sa kanilang hanay.

Kabilang sa mga isiniwalat ng mga empleyado at kawani ang paglalagak ng P900-milyon mula sa isang bilyong pisong Externally Managed Fund (EMF) sa common stocks na labag sa Section 27 (d) ng Republic Act 10606 o Philhealth Charter, na nagtatakda na dapat ay sa preferred stocks puwedeng i-invest ang EMF.

Ang pag-i-invest ng EMF sa common stocks ay nagresulta sa pagka­lugi ng P116 milyon, batay sa income statement.

Ito anila ay nakasaad sa COA Audit Observation Memoramdum noong 23 Marso 2017 na isa sa mga naging isyu sa confirmation hearing ni dating Health Secretary Paulyn Ubial.

Nabatid sa Philhealth WHITE na pinayagan nina Dela Serna at PHICEA President Esperanza Ocampo ang ilegal na pagpataw ng P2,000 na 10% agency fee sa 2016 at 2017 collective negotiation agreement (CNA) incentive na nagkakahalaga ng P20,000 noong nakalipas na Enero 2017 sa 3,500 casual employees na umabot sa P16-M.

Dahil anila sa pagbisto nila sa mga nasabing anomalya sa Philhealth, sila pa ang sinampahan ng mga kasong administratibo ng mga opisyal at hindi sila binigyan ng CNA incentives.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …

PAMILYA KO Partylist Sunshine Cruz

PAMILYA KO, patuloy sa pamamayagpag, pasok sa Top 15 Partylist ng Octa Research April Survey

PATULOY na lumalakas ang suportang nakukuha ng PAMILYA KO Partylist at kinikilala ang bitbit nitong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *