Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Resignasyon ni Wanda tinanggap ni Duterte (Sa P60-M TV ads ng DOT)

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Wanda Teo bilang kalihim ng Department of Tourism (DOT) makaraan masangkot sa kuwestiyonableng P60-M advertisement ng kagawaran sa PTV-4 na napunta sa kompanya ng kanyang kapatid.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit nag-resign si Teo ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Office of the President sa Commission on Audit (COA) report hinggil sa P60 milyong ibinayad ng DOT sa PTV-4 na ibinigay sa Bitag Media Unlimited Inc., na pagmamay-ari ni Ben Tulfo, host ng programang Kilos Pronto , at kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo.

Sinabi ni Roque, maglalabas ng rekomendasyon ang OP sa magiging kapalaran ng iba pang opisyal na maaaring sabit sa kontrobersiya.

“The investigation will have to make recommendations too on what will happen to the other individuals,” aniya.

Sakali aniyang may matuklasan na pananagutang kriminal ang mga opisyal na sangkot sa usapin, ang Ombdusman ang bahalang maghain ng kaso.

Kinompirma kamakailan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong”Go, kasama sa mga sinisiyasat sa usapin si Communications Secretary Martin Andanar.

Ang PTV ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …