Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi at Richard, may kilig pa rin

NAKATUTUWANG katsikahan ang mga kilala naming sumusubaybay sa programang Sana Dalawa Ang Puso nina Jodi Sta. Maria (Mona), Richard Yap (Martin), at Robin Padilla (Leo) na nasa iba’t ibang panig ng mundo dahil hindi pala nila pinalalampas ito at puwede pa nilang ulit-ulitin.

Sa umereng episode ng Sana Dalawa Ang Puso nitong Biyernes ay ipinakitang ikakasal si Mona kay Martin na inakalang siya si Lisa.

Dahil ang tunay na Lisa ay kasama ni Leo sa malayong probinsiya na roon sila nagtatago.

May kilig pa rin sina Jodi at Richard sabi sa amin kaya naman sa eksenang ikakasal sila bilang sina Mona/Lisa at Martin ay naalala nila ang unang kasal ng dalawa sa programang Be Careful with my Heart bilang sina Ser Chief at Maya.

Ang maganda pa sa mga supporter nina Jodi at Richard ay okay lang sa kanila na hindi sila magkatuluyan dahil may kanya-kanya naman silang partner sa buhay, “okay na kami na sa TV at pelikula silang magkasama. Cute kasi at sobrang bagay sila talaga. Sayang nga, eh, huli na sila nagkakilala pareho na silang may pamilya.”

Going back to Sana Dalawa Ang Puso ay nagsisimula ng magmartsa si Mona bilang si Lisa sa paniniwala ni Martin patungo ng simbahan kaya ang tanong ng lahat, matutuloy ba o may sisigaw ng ‘itigil ang kasal?’

Pero balitang sisipot ang tunay na Lisa sa kasal nila ni Martin para walang gulo at ayaw na niyang isama pa si Mona sa mga problema.

Ang hindi alam ni Lisa ay gustong-gusto ni Mona na siya ang ikasal kay Martin dahil nga lihim niya itong minamahal.

Paano na si Leo kung itutuloy ni Lisa ang kasal, eh, nagka-aminan na silang mahal nila ang isa’t isa?

Abangan ang twist ng SDAP bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …