IGINIIT kahapon ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Diño sa paglulunsad ng ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na ito ang tamang oras para ipakita sa mundo ang pinakamagagandang pelikula natin sa pamamagitan ng pagsusulong sa international distribution.
Sa ginanap na PPP Media Launch, binigyang diin ni Dino na ang mga pagsisikat na nakahanay sa PPP ay magbibigay-daan para sa tunay na paglaki ng mga pelikulang Filipino at kunin ang pagkakataong mula local sa international distribution.
“Ang PPP ay dumating na sa tamang oras. Gusto nating ma-inspire ang ating mga filmmaker na maabot ang mga manonood sa malalayong lugar sa pamamagtian ng paggawa ng mga dekalidad na pelikula, well-developed, at ginawa na ang nasa isip ay ang local at global audience.
“Hinihikayat din ng PPP na maging jump-off point nila ito,” dagdag pa ni Dino.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio