Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangay narco-list tamang ilantad

ISINAPUBLIKO na kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan ng barangay officials na kung hindi user, pusher ay mga protektor ng ilegal na droga.

Sinasabing 90 kapitan at 117 mga kagawad ng barangay ang nasa narco-list ng PDEA, na pinaniniwalang magiging gabay ng maraming botante ngayong nalalapit na ang halalan sa barangay.

Mababa ito sa naunang bilang na kanilang inilabas, na base sa paliwanag ng PDEA, dahil ang iba ay naaresto na, namatay o napatay sa mga operasyon.

Napapanahon na ilantad talaga ang listahang ito para tulu­yang makilala ng mamamayan kung anong uri ng mga barangay officials ang mayroon sila ngayon, at nang sa ganon ay hindi na muling magkamali at makapaghalal pa ng mga opisyal na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Gaya ng pahayag ng Malacañang, nais nitong maging gabay ang listahan para sa mga botante ngayong nalalapit na May 14 barangay elections. Dapat ay maging matalino, mapanuri ang mamamayan sa mga opisyal ng barangay na kanilang iboboto, at mangunguna sa kani-kanilang lugar para sa isang pamaya­nan na tahimik, ligtas, payapa at malayo sa droga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …