Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solenn, nabigong kopyahin si Paolo

INABANGAN ng lahat ang posts nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff ng resulta ng make-up transformation challenge nila sa isa’t isa na pangako nila sa nakaraang mediacon ng pelikulang My 2 Mommies na produced ng Regal Films.

Nitong Miyekoles ng gabi ay naunang mag-post si Solenn ng litrato nila ni Paolo na ginaya niya na may caption na, “O, I tried to be @pochoy_29. I paint and I do make-up but transforming a face into another is probably the most difficult art haha. I appreciate Paolo’s work even more now. Respect!!!! I can’t wait to see my face on him!!!!! Link on my bio.”

Para sa amin ay hindi saktong nagaya ni Solenn ang mukha ni Paolo kasi nga unang beses niya itong ginawa kaya hindi pa niya gamay. Maski magaling na make-up artist ang aktres ay aminadong nahirapan siya.

Kaya ang inaabangan na lang

ay ang post ni Paolo bilang si Solenn ngayong Lunes, Abril 30 tulad ng sinabi niya sa amin pagkatapos ng presscon ng My 2 Mommies na ginanap sa Valencia Events Place.

Sa nasabing post ni Solenn na ginaya niya si Paolo at iti-nag pa ay walang reaksiyon ang aktor kung pumasa sa kanya ang ginawa ng leading lady niya sa pelikula.

Mapapanood na ang My 2 Mommies sa Mayo 9 kasama rin sina Joem Bascon, Marcus Cabais, at Ms Maricel Soriano na idinirehe naman ni Eric Quizon handog ng Regal Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …