Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Queen of all media Iritada!

IRITADA si Kris Aquino kay Korina Sanchez at sa kanyang Rated K TV show for supposedly airing a feature on James Yap.

Pinepersonal raw niya for the simple reason na ibinuwis raw niya ang kinabukasan nila ng kanyang mga anak nang walang inaasahang kapalit. Ang ganti pa raw sa kanya ngayon ay nai-feature pa ang ‘deadbeat’ na tatay ng kanyang anak na si Bimby.

Noong gabi ng April 22, naglabas umano ng taped feature si Korina tungkol kay James, sa asawa nitong si Michela Cazzola, at sa anak nilang si Michael James.

Said episode was aired two days after Kris had vented her ill feelings on her ex husband’s indifference to his obligations with his son Bimby.

In her Instagram post right after the airing of Rated K’s episode on James and his new family, Kris has said more than a mouthful on the support that she was able to give to Mar Roxas’ candidacy.

I have really had ENOUGH. Simple lang – minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko – never para sa sarili niya pero para sa kandidatong inendo[r]so n[‘]ya. Dahil mahal ko s[‘]ya ginawa ko. Lahat ng batikos nang dahil sa pagtulong na [‘]yon tinanggap ko,” declared Kris.

“Tatlong beses akong nagpunta sa Davao – sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris TV.

“Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin.”

At any rate, sampal raw sa kanya ang ginawang feature ng programa ni Korina.

In the end, the feisty TV host said that she now understands why President Duterte won the 2016 Presidential elections.

“I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar – pero klarong-klaro sa ‘kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE.”

Kasama naman sa post ni Kris ang retrato nila ni President Duterte sa isang episode ng Kris TV.

It will be remembered that Kris and Korina hosted Morning Girls with Kris and Korina, which aired for three seasons from January 2003 up to May 2004.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …