Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

2 lalaking umiihi arestado sa droga (Sa pampublikong lugar)

HINULI ang dalawang lalaki habang umiihi sa pampublikong lugar at nakompiskahan ng umano’y ilegal na droga sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Jomar Mamaril, 27, at Kevin Ogaya, 27, barker, kapwa residente sa E. Rodriguez St., Brgy. 4, Zone 2, sa nasabing lungsod.

Base sa ulat ni Southern Police District (SPD) Public Information Office (PIO) spokesperson, Supt. Jenny Tecson, naganap ang insidente sa panulukan ng F.B. Harrison at E. Rodriguez streets, dakong 4:00 ng madaling-araw.

Nagpapatrolya sina PO1 Adel Ryan Espinas, PO1 Dennis Suyu at PO1 Benigno Aquino, nang mamataan ang dalawang suspek habang umiihi sa publikong lugar.

Sinita nila ang mga suspek at nang kapkapan ay nakuha mula kina Mamaril at Ogaya ang isang pakete ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police upang imbestigahan at sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at City Ordinance No.1572 (Urinating in Public Places) sa Pasay Prosecutor’s Office.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …