Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, ikararangal ang masampal ng isang Maricel Soriano

AYON kay Paolo Ballesteros, malaking kara­ngalan ang masampal ni Maricel Soriano!

“If ever nga may sampalan na eksena, why not? Willing akong pasampal kay Maricel. Ang lakas kaya maka-proud na masampal ka ng isang Maricel Soriano ‘di ba?” Ito ang pahayag ni Paolo sa pagsasama nila ni Maricel sa pelikulang My 2 Mommies na Mother’s Day offering ng Regal Entertainment Incorporated na mapapanood sa May 9 na pinamahalaan ni Eric Quizon.

Na-starstruck si Paolo nang maka-eksena at makatrabaho ang original na Taray Queen at ayon ditto, napakahusay ni Maricel sa kanilang pelikula. ”Ang lakas makahawa ng husay ni Marya,” sambit ni Paolo.

Ginagampanan ni Paolo ang role ni Manu na tiyahin si Maricel, samantalang si Solenn Heussaff si Monique.”Ako rito si Manu, boyfriend ko si Joem Bascon. Tapos, kami ni Solenn, hindi ko alam na nagka-anak pala kami. Ginamit pala niya ang katawan ko at niyurakan niya ang aking pagkababae.”

Bukod kina Maricel, Solenn, at Paolo, kasama rin dito sina Joem, Dianne Medina, at Marcus Cabais.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …