Tuesday , December 24 2024

OFW na pinainom ng chlorine bumubuti na

MAAARI nang ilipat sa regular ward mula sa Intensive Care Unit (ICU) anomang oras ang Filipina worker na sapilitang pinainom ng liquid bleach ng amo sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Elmer Cato, Acting Assistant Secretary for Public Diplomacy ng Department of Foreign Affairs (DFA), bumubuti na ang kalagayan ni Agnes Mancilla makaraan maratay ng mahigit sa isang linggo sa King Fahad Central Hospital sa Jizan, Timog-Kanluran ng  kaharian.

“Any day or any time puwede na po siyang ilipat sa regular ward, si Agnes mula sa ICU, bumubuti na po kasi ang kanyang kalagayan,” ani Cato.

Habang tiniyak ng mga Filipino nurse ng naturang pagamutan kay Consul General Edgar Badajos, Philippine Consulate General sa Jeddah, na kanilang aasikasuhin si Agnes hanggang tuluyan guma­ling.

Sa pagsusuri kay Agnes ng mga manggagamot, natuklasan nilang ang mga  pasa at sugat sa likod ng biktima ay mga kagat ng kanyang amo at ito ay ginagawa sa kanya tuwing nagagalit kahit walang ginagawang masama o pagkakamali sa kanyang trabaho. Sinabi ni Consul General Badajos, pinaghahandaan na ang paglilipat kay Agnes sa isang ospital sa Jeddah na maaari siyang madaling mabigyan ng suporta ng Konsulado at ng kanyang pamilya kapag dumating sila sa Jeddah.

         (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *