Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

19-anyos kelot kritikal sa boga ng AWOL na pulis

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos lalaki nang tamaan ng bala sa ulo makaraan magpaputok ng baril ang isang AWOL na pulis sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Joven Manalastas, residente sa Purok 5, V.P. Cruz St., Brgy. Lower Bicutan.

Kinilala ni Taguig City Police chief, S/Supt. Alexander Santos, ang lasing na suspek na si PO1 Abraham Ventura, nasa hustong gulang, at dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Sa ulat ni Chief Inspector Ramon Laygo, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Taguig City Police, nangyari ang insidente sa V.P. Cruz 5, Brgy. Lower Bicutan ng lungsod, dakong 11:50 ng gabi.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang suspek na si Ventura kasama ng isang nagngangalang Ian nang makasalubong nila ang dispatcher ng jeepney na si Jhon Rich Layson.

Sa hindi mabatid na dahilan, biglang sinapak ni Ian si Layson.

Bunsod nito, tumakbo si Layson patungo sa kinatatayuan ng biktimang si Manalastas.

Nang magpaputok ang suspek ay hindi si Layson ang tinamaan kundi si Manalastas.

Isinugod ng mga saksi sa ospital si Manalastas habang tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …