Wednesday , May 7 2025

Bong Go, et al inendoso ni Digong para senador (Sa Filipino community sa HK)

HINDI na napigilan ang endoso ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kaniyang trusted aide na si Special Asistant to the President (SAP) Bong Go para sa Senado sa 2019 elections.

Sa pagharap ng pangulo sa tinatayang 2,000 overseas Filipino workers (OFWs) Hong Kong kagabi, ipinakilala niya si Secreatry Go bilang ‘paborito’ niyang senador.

Positibo ang naging pagtanggap ng mga Filipino na mararamdaman sa kanilang malakas na palakpakan at sigaw bilang tugon sa Pangulo.

Sinabi ng Pangulo, kung ano ang kaniyang mga ginagawang pagpapabuti sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Filipino ganoon din ang yapak na sinusundan ni Go.

Ayon sa pangulo, hindi pababayaan ni Go ang kapakanan ng mga Filipino at naniniwala siyang mapagbubuti pa ng kaniyang trusted aide ang magagandang programa ng administrasyon kapag nagsulong ng mga panu­kalang batas sa Senado.

Kombinsido si Pangulong Duterte, sa ipinakikitang matinding suporta ngayon ng publiko kay Go, dagdag rito ang mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo, walang duda aniyang makapapasok sa mga mananalo.

Binanggit din umano ng Pangulo sa kanyang speech ang iba pang ineendosong senador na sina Assistant Secretary Esther Magaux “Mocha” Justiniano Uson, columnist Ramon “Mon” Tulfo, Presidential Spokeperson, Secretary Harry Roque at dating MMDA chairman Francis Tolentino.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *