Friday , April 18 2025

Filipino dream ipinagmalaki ni Digong sa Boao Forum

KUNG may American Dream noon, mayroong Filipino Dream ngayon sa ilalim ng Duterte administration.

Sa kanyang mensahe sa pagbukas ng Boao Forum for Asia sa Hainan, China, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Asian leaders at business leaders, unti-unti nang nakakamit ang Filipino Dream.

“For far too long, the Philippines has nurtured the dream of a comfortable life for our citizens. We want a society where there are opportunities for all. We want a nation where the hard working, the talented, and the law-abiding can advance together and move up the socio-economic ladder,” anang Pangulo.

Batid ng Pangulo na may mga balakid sa pagkamit ng Filipino Dream tulad ng peace and order situation, illegal drug trade na sumisira sa pangarap ng bawat pamilyang Filipino, terorismo at ang paglaban sa korupsiyon.

“With China, we stand together in the war on criminality and illegal drug trade. We are shoulder to shoulder in the fight against terrorism and violent extremism. Make no mistake: there can be no progress without stability in Asia’s lands and waters,”ayon sa Pangulo.

Binigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng tulong ng malalaki at mayayamang bansa sa Asya para tulungang umangat ang isang maliit na bansa tulad ng Filipinas sa pamamagitan ng investments.

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante sa China na mamuhunan sa Filipinas.

Sa kaniyang mensahe sa pagbubukas ng Boao Forum for Asia, binigyang diin ng Pangulo na sa kabila ng mga kinakaharap na hamon ng Filipinas, hindi ito magpapaawat.

Naghahanap aniya ang Filipinas ng business partners mula sariling bayan at maging ng mga dayuhang mamumuhunan na pawang mga responsable.

Ayon sa Pangulo, pinadali na nila ang sistema ng pagne-nego­syo  sa Filipinas at pinalakas ang policy frame­work para lalo itong sumigla.

Ginarantiyahan ng Pangulo sa mga dayuhang mamumuhunan ang kaligtasan ng kanilang negosyo sa harap nang pinahusay na peace and order sa bansa.

Mahigpit na aniya ngayon ang gobyerno at hindi na pinalulusot ang anomang uri ng korupsiyon, upang  hindi maging hadlang sa negosyo.

Naniniwala si Pangulong Duterte na sa pagiging bukas ng Filipinas para sa mga responsableng negosyante, lalaki ang antas ng oportunidad para sa maraming masisipag at talentadong Filipino na sumusunod sa batas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *