Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piston bigo sa transport strike — MMDA

BIGONG maparalisa sa inilunsad na transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang transportasyon sa Metro Manila kahapon.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago, ito ay dahil sa ipinalabas na mga alternatibong sasakyan ng pamahalaan, katuwang ang mga pribadong bus companies, libreng sakay ng nasyonal at lokal na pamahalaan sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.

Dakong umaga kahapon naunang nagkaroon ng bahagyang kakulangan sa mga pampasaherong jeep ngunit unti-unting naging normal nang sumapit ang tanghali.

Sa datos buhat sa MMDA, dalawang bus na may bayad at dalawang military truck ang pumasada sa rutang Buendia-Taft Avenue; dalawang bus ng MMDA sa rutang BCDA C5-Guadalupe; dalawang bus at tatlong truck sa Malabon at Navotas, at tatlong truck sa Commonwealth Avenue.

Kahit unti-unting lumiliit ang bilang ng sumasama sa kanilang protesta, iginiit ni PISTON president George San Mateo, na hindi bilang ang kanilang hinahabol sa pagpapatuloy ng protesta para mapansin ng pamahalaan at magkaroon ng maraming pagdinig sa Kongreso bago ipatupad ang phase-out sa jeepney.

Dagdag niya, pinangakuan umano sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsasagawa ng dialogo sa kanila ngunit hanggang ngayon ay hindi pa natutupad.

       (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …