Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tony Labrusca Liza Soberano

Tony Labrusca, makakasama ni Liza sa Darna

OKEY lang sa bagong batch ng 2018 Star Circle na abutin sila ng ilang taon bago mabigyan ng lead role o mapansin sa pelikula o teleserye dahil naniniwala sila na kapag may tiyaga ay may nilaga bukod pa sa binigyan sila ng chance ni Mr. Johnny Manahan o Mr. M na mapabilang sa Star Magic na talent arm ng ABS-CBN.

Lalo na ang female aspiring talents tulad nina Leila Alcasid, Zonia Mejia, Yasmyne Suarez, Daniela Stranner, Patty Mendoza, Chantal Videla, at Charlie Dizon. 

Hindi na kabilang sa mga nabanggit si Anna Luna na marami ng serye at indie films na nagawa, katunayan, may mga award na rin siyang natanggap pero nitong Linggo, Marso 11 lang siya ini-launch bilang 2018 Star Circle.

Kasama rin sa ipinakilala sa 2018 Star Circle  sina Donny Pangilinan, Henz Villaraiz, Karl Gabriel, Markus Paterson, at Tony Labrusca.

Obviously sa mga nabanggit ay matunog ang pangalan ni Tony dahil sa Pinoy Boyband Superstar na maski hindi nakasama sa Boyband PH ay malaking exposure ang naibigay sa kanya ng La Luna Sangre bilang ka-love triange nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. At heto, may bulong-bulungan na siya ang makakasama ni Liza Soberano sa Darna movie.

Sumunod ay si Markus na hindi rin pinalad sa Pinoy Boyband ay may mga serye namang nilabasan na pawang bit role pero malakas ang dating  sa screen kaya maraming interesadong kunin siya sa indie films at higit sa lahat, bestfriend siya ni Inigo Pascual.

Ikatlong maingay ang pangalan ay si Donny dahil anak siya nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa at pamangkin siya ni Gary Valenciano.  Napasok pa siya bilang MYX VJ.

Sina Henz at Karl ay may mga Wansapanataym guestings at kasama rin ang una sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso nina Robin Padilla, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Ang maganda sa Batch 2018 ng Star Circle ay pawang mga nag-aaral at ‘yung iba ay tapos na maliban kina Anna, Henz, at Tony.

Anyway, looking forward kami sa mga nabanggit kung sino sa kanila ang mga aabot sa narating nina Liza Soberano, Enrique Gil, Erich Gonzales, Enchong Dee, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria, Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Montes, Maja Salvador, at Bea Alonzo at iba pang sikat sa SM.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …