Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Sana Dalawa Ang Puso Mona Lisa

Mona at Lisa, nagkita na

FINALLY, nagkita na ang magkamukhang sina Mona at Lisa (Jodi Sta. Maria) sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso nitong Biyernes.

Sa paghahanap ng solusyon ni Lisa para atrasan ang kasunduang kasal nila ni Martin (Richard Yap) ay nakipagkita siya kay Donnie Pamintuan (Victor Silayan), isa ring negosyante na makatutulong sa kanilang kompanyang LGC, sa Club Manila E.

Hindi naman niya inasahang sa pag-alis niya sa nasabing club ay bigla na lang bubulaga ang hilong-hilong si Mona na tinatakasan naman si Mr. Chua (William Lorenzo), ang boss ng pinagkaka-utangan niyang si Mr. Supapi (Leo Martinez).

At kahit na may inilagay na pampahilo si Mr. Chua sa inumin ni Mona ay nagawa nitong tumakas at sumakto na nakita siya ni Lisa at kaagad na itinakbo sa ospital.

Sobrang nagpasalamat si Mona kay Lisa kaya nagsabi siya na anuman ang puwede nitong gawin para makabayad siya sa magandang ginawa sa kanya ng kamukha at hinilingang magpanggap na siya ang fiancée ni Martin (Richard).

Abangan ngayong umaga bago mag-It’s Showtime kung tinanggap na ni Mona ang hiling ni Lisa.

Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …