Monday , November 25 2024
Zanjoe Marudo Kim Chiu mmk Maalaala Mo Kaya Capt Romme Sandoval
Zanjoe Marudo Kim Chiu mmk Maalaala Mo Kaya Capt Romme Sandoval

Kim at Zanjoe, ibabahagi ang istorya nina Ani at Capt. Sandoval A hero’s story

SA SABADO (Marso 10), tiyak na mahihilam na naman ng luha ang ating mga mata sa ibabahaging istorya ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Kapamilya.

Tungkol sa isang bayani sa ating panahon ang isinulat ni Benson Logronio hango sa tunay na pangyayari at idinirehe naman ni Dado Lumibao.

Ang ngalang Capt. Romme Sandoval will ring a bell, pati na ang misis niyang si Ani. Sila ang mga katauhang gagampanan nina Zanjoe Marudo at Kim Chiu kasama sina Ahron Villena as Cpl. Jason Mante, Michael Roy Jornales as Lt. Arnold Valle, Akihiro Blanco as Sgt. Paul Rosario, Boom Labrusca as Maj. Rene Cabuyao, Jong Cuenco as Lt. Col. Art Dipasupil, Ana Abad Santos as Ester Cruz, Niña Dolino as Arcel, Denise Joaquin as Rizza, Encar Benedicto as Amy Sandoval, Kristel Fulgar as Joy Sandoval, Aiko Climacoas Liza Cruz, at Dawn Chang as Ria.

Nagmula sa pamilya ng mga militar si Ani. Kaya iniiwasan niya na maging ganoon din ang buhay niya. Pero mapagbiro ang pag-ibig dahil ang nakilala niya at napangasawa ay kasama ng kapatid niya sa PMA (Philippine Military Academy). Magkaiba man ang antas sa buhay, pinatunayan nila ang lalim ng pagmamahal sa isa’t isa sa kanilang mga pamilya.

Maraming dagok ng buhay ang binata nila. At ang dasal nila ay mabiyayaan na sila ng anak. Pero mapagbiro talaga ang tadhana. Polycystic Ovarian Syndrome ang tumama kay Ani kaya hirap siyang magbuntis. Hanggang tinawag si Rommel ng obligasyon sa bayan para sumabak sa Marawi. Ipinangako na ni Rommel na sa kanyang pagbabalik, haharapin muna nila ni ani ang pagbuo ng kanilang pamilya.

Pero, sa gitna ng palitan ng bala, si Rommel ang sumalo sa lahat ng bala para sa kanyang mga kasama. Para ipagtanggol ang kanyang tropa.

Wasak ang puso ni Ani pero alam niyang isang hindi malilimutang bagay ang ginawa ng asawa para sa bayan. Simbulo ng kabayanihan ang Medal of Valor na ipinagkaloob kay Sandoval sa Marawi siege—the highest military honor awarded for acts of valor above and beyond the call of duty.

HARDTALK
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *