Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balikan nina Sharon & Gabby detalyado at personal na alam ng Vonggang Chika

EARLY 90s ay nag-umpisa ang closeness namin kay Sharon Cuneta, ng kaibigan at kapwa columnist at entertainment editor ng isang tabloid na si Rohn Romulo. Naging malapit kami kay Sharon dahil madalas namin siyang puntahan noon sa taping ng kanyang top-rating Sunday musical variety show noon na “SHARON” na umere nang matagal na panahon sa ABS-CBN.

Kung anong oras abutin ng taping niya si mega na kadalasan ay inaabot ng 5:00 ng umaga ay stay kami sa studio at naa-appreciate ito ng nanay-nanayan na­min sa showbiz.

At dahil malapit nga kami sa megastar, minsan tinanong namin siya ni katotong Rohn tungkol sa isyung dumaan sa bahay niya si Gabby Concepcion para magkape na kanyang pinatuloy at pinainom nga ng coffee at hindi naman niya itinanggi sa amin ang bagay na iyon.

Hanggang nagkuwento na siya (Shawie) na sabi raw ni Gabby sa kanya ay babalik na sa kanila ni KC. Pero hindi na ito nangyari dahil nang magkasama sila ni Gabby sa paglalaro sa Star Olympics ay naroon din si Jenny Syquia.

At mas pinili nga ni Gabo si Jenny kaya naunsiyami ang nasabing reconciliation. Kaya ‘yung rebelasyon ni Sharon kay Korina Sanchez last Sunday sa “Rated K” lahat ng kanyang sinabi about her estranged husband actor ay may bahid ng katotohanan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …