Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, lumipad agad ng Agusan para sa kaarawan ng ina  

SIMPLE lang ang gusto niya sa birthday n’ya,mass and lunch lang, kaya mama ayan, wish granted love you inahan. Malipayong adlawng natawhan inuman na, iinom ako #family #happiness #blessed #treasures #grateful #priceless #thankuLORD,” ito ang post ni Sylvia Sanchez nang sorpresahin niya ang Mama Roselyn Camponiya sa Nasipit, Agusan del Norte nitong Sabado ng madaling araw.

Pagkatapos ng Hanggang Saan taping ni Ibyang ng 2:00 a.m. ay dumiretso na kaagad siya ng airport patungong Nasipit na muntik pang maiwan ng flight.

Hangga’t kaya ng schedule ng aktres ay dinadalaw niya ang nanay niya.

“Hindi puwedeng hindi ko makita ang nanay ko sa espesyal na araw niya dahil kung hindi dahil sa kanya, eh, wala ako,” katwiran ng aktres.

Ipinagpatayo ni Ibyang ang mama niya ng sariling grocery nito sa bahay nila para may mapaglibangan dahil ayaw namang manirahan sa Maynila dahil naiinip.

Nasanay kasi sa buhay probinsiya si Mama Roselyn bukod pa na kasama rin niya ang mga anak, pamangkin, at mga apo sa Nasipit.

At laging panalangin ni Ibyang na manatiling malakas, walang sakit, at  ligtas sa anumang kapahamakan ang nanay niya lalo’t wala siya parati sa tabi nito.

Ang bunsong anak na si Xavi at mga kaibigan ang kasama ni Sylvia na pumunta ng Nasipit dahil ang mga anak na sina Arjo at Ria ay may trabaho samantalang si Gela ay may lakad sa eskuwelahan.

Linggo ng umaga ay bumalik naman kaagad ng Maynila si Sylvia para  sa family day nila ng pamilya.

Samantala, base sa umeereng episode ng Hanggang Saan ay nagkabaliktad na ng puwesto sina Sonya (Sylvia) at Jacob (Ariel Rivera) dahil ang huli na ang nakakulong dahil sa kasong pagpatay kay Edward Lamoste (Eric Quizon) at sa pagbagsak ng Educare.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Jacob (Ariel) kapag nalaman niyang ang asawang si Jean (Teresa Loyzaga) ang nagsuplong sa kanya para hindi sila matuloy umalis ng bansa at nakipagsabwatan siya kina Anna (Sue Ramirez), Paco (Arjo Atayde), at Sonya (Ibyang).

Kaya huwag bibitiw sa Hanggang Saan pagkatapos ng Asintado sa ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …